Open pit mining ipagbabawal

Aniya, hindi siya nanghihinayang sa mawawalang kita ng gobyerno mula sa mining firms na ang ginagamit na pamamaraan ng pagmimina ay open pit mining.

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na darating sa tamang panahon na ipagbabawal na niya nang tuluyan ang open pit mining sa bansa.

Aniya, hindi siya nanghihinayang sa mawawalang kita ng gobyerno mula sa mining firms na ang ginagamit na pamamaraan ng pagmimina ay open pit mining.

Sinabi pa ng Pangulo, ang open pit mining ay talagang sumisira sa kalikasan kaya nararapat lamang na ipagbawal na ito.

Show comments