^

Bansa

Hindi ko sinabing arestuhin ang mga tambay – Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Hindi ko sinabing arestuhin ang mga tambay � Duterte
Sa kanyang talumpati sa National Information and Communications Techno­logy (NICT) Summit sa Davao City, inihayag ng Pangulo na wala siyang sinabing arestuhin ang mga tambay sa halip ay sinabihan lamang niya ang mga ito na umuwi sa kanilang mga tahanan.
Presidential Photo

MANILA, Philippines — Itinanggi ni Pangulong Duterte na inutos niyang arestuhin ang mga tambay.

Sa kanyang talumpati sa National Information and Communications Techno­logy (NICT) Summit sa Davao City, inihayag ng Pangulo na wala siyang sinabing arestuhin ang mga tambay sa halip ay sinabihan lamang niya ang mga ito na umuwi sa kanilang mga tahanan.

“I never said arrest them, napakaga-gago. Why don’t you just listen, i-rewind mo ‘yung sinabi ko. Sinabi ko, ‘You go home. Do not congregate,’” pahayag ng Pangulo.

Aminado naman si Pangulong Duterte na hindi krimen ang pagtambay o loitering pero inamin ng Pangulo na nagbabala siya sa mga tumatambay sa mga squatter’s area kung saan ginagawang sala ang lansangan upang mag-inuman.

“I never said arrested. But if you are drinking diyan sa alley, ‘yung mga squatter’s area. If you are there, making a sala out of the road there, huhulihin talaga kita,” pahayag ng Pangulo.

Sinabi pa ng Pangulo na bilang ama ng bansa maaari niyang pagsabihan ang mga mamamayan lalo na ang mga kabataan.

“Of course I can accost you. Sabihin ko, ‘what are you doing here?’ If you are a minor under the power of parens patriae, you are the father of the nation, you can always give an advice for people kagaya ng minors,” pahayag ng Pangulo.

Ang ‘parens patriae’ ay isang Latin na ang kahulugan ay  “ama ng bansa”.

“Kaya sabi ko pag — if you are unruly talagang sabihin ko, ‘uwi ka kundi arestado ka.’ That is a police power of the state,” paglilinaw ng Pangulo.

vuukle comment

NATIONAL INFORMATION AND COMMUNICATIONS TECHNO­LOGY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with