Agri products lalagyan na ng SRP

Ito ayon kay DA Secretary Emmanuel Piñol ay upang maiwasan na magkaroon ng magkakaibang presyo ang naturang mga produkto.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Lalagyan na ng Suggested Retail Price (SRP) ng Department of Agriculture (DA) ang pangunahing agricultural products sa susunod na linggo.

Ito ayon kay DA Secretary Emmanuel Piñol ay upang maiwasan na magkaroon ng magkakaibang presyo ang naturang mga produkto.

Anya, ang Metro Manila ang uunahin sa progra­mang ito at susunod ang mga rehiyon.

Ilan sa mga agri pro­ducts na lalagyan ng SRP ay ang regular-milled rice na may halagang P39 kada kilo, bangus P150/kilo, tilapia P100 kada kilo, galunggong P140/kilo, pulang sibuyas P95/kilo, puting sibuyas P75/kilo, imported na bawang P70/kilo at local bawang  P120/kilo.

Sinabi ni Piñol na ang presyo ay nairekomenda ng mga stakeholders at naikumpara sa mga nagdaang buwan.

Sinabi nito na ang SRP ay palagiang pag-aaralan tuwing 15 araw ng bawat buwan.

Pinag-aaralan pa rin anya ang SRP para sa mga poultry at livestock products tulad ng itlog.

Ang sinumang lalabag ay makukulong ng 5 hanggang 15 taon at magmumulta ng P5,000 hanggang P1 milyon alinsunod sa Price Act of 1992.

Show comments