Walang Pinoy sa Japan quake - DFA
MANILA, Philippines — Nagpahatid kahapon nang pakikidalamhati ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Japan kaugnay nang naganap na lindol dito na ikinasawi ng tatlo at pagkasugat ng dosenang katao at wala namang Pilipinong nadamay dito.
Sabi ng DFA sa 16,295 miyembro ng Filipino Community na nasa Kansai Region, wala namang napaulat na may nadamay sa magnitude 5.9. earthquake na tumama sa western Japan nitong Lunes (June 18).
“We express our condolences to the Government of Japan over the loss of lives in this morning’s earthquake in the Kansai Region. We hope and pray that loss of lives and damage to property would be minimal” ani DFA Secretary Alan Peter S. Cayetano.
Inalerto ng Philippine Consulate General ang mga Pinoy sa Osaka, Hyogo, Nara at Shiga, na mag-ingat sa posibleng after shocks at pinayuhan na huwag munang gumala ang mga ito.
Nanawagan din sila sa Pinoy community, na patuloy na magsagawa ng monitoring na may kaugnayan sa disaster-related information at kaagad na makipag-ugnayan sa mga kinauukulan hinggil dito.
Sa ulat ni Consul General Maria Aileen Bugarin kay Cayetano, patuloy aniyang nagsasagawa ng assessment ang Japanese authorities para sa mga napinsalang ari-arian dulot ng lindol.
- Latest