^

Bansa

Pagkamatay ng 2 Pinay pinasisiyasat kung may ‘foul play’

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Pagkamatay ng 2 Pinay pinasisiyasat kung may �foul play�
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), batay sa ulat ng embahada ng Pilipinas sa Beirut, noong Hunyo 11, 2018, isang Pinay domestic worker na tubong Cagayan, ang iniulat na nagpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ika-6 na palapag ng bahay ng employer nito.

MANILA, Philippines — Nakikipag-ugnayan na ang embahada ng Pilipinas sa Beirut at Riyadh para sa masusing imbestigasyon kung posibleng “foul play” kaugnay sa insidente umano nang pagpapakamatay ng dalaway Pinay domestic workers.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), batay sa ulat ng embahada ng Pilipinas sa Beirut, noong Hunyo 11, 2018, isang Pinay domestic worker na tubong Cagayan, ang iniulat na nagpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ika-6 na palapag ng bahay ng employer nito.

Isa pa ring Pinay domestic worker mula naman sa Agusan del Sur ang iniulat ng Philippine Embassy sa Riyadh KSA na nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbibigti sa mismong bahay ng kanyang employer sa bahagi ng Al Hasa, may 300 kilome­t­ro ang layo mula sa Riyadh.

Samantala, ipina-abot ni DFA Secretary Alan Peter Caye­tano ang pakikiramay sa pamilya ng nabanggit na mga OFW.

Kasabay nang pagtiyak nito sa kaanak ng kinakailangang tulong kabilang na ang pagpapabalik sa mga labi ng  mga ito sa Pilipinas sa lalong madaling panahon. 

vuukle comment

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

FOUL PLAY

PINAY DOMESTIC WORKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with