PAGASA nagbabala sa landslide

Ayon sa PAGASA, mas malambot na ngayon ang lupa sa malaking parte ng Luzon kaya lantad sa landslide at mabilis na rin ang pagbaha dahil saturated na ito kapag muling umulan.

MANILA, Philippines — Pinayuhan ng PAG­ASA ang publiko na huwag magkumpiyansa kahit may mga oras na tumitigil ang malakas na buhos ng ulan.

Ayon sa PAGASA, mas malambot na ngayon ang lupa sa malaking parte ng Luzon kaya lantad sa landslide at mabilis na rin ang pagbaha dahil saturated na ito kapag muling umulan.

Sa kasalukuyan ay nakataas pa rin ang yellow alert o inisyal na babala ng pagbaha sa Zambales at Bataan.

Habang aasahan pa rin ang ulan sa Metro Manila, Tarlac, Nueva Ecija, Bulacan, Rizal at Pampanga.

Mahina naman hanggang sa katamtaman ang pag-ulan sa Region IV-B at nalalabing bahagi ng Region IV-A, Cagayan Valley at Central Luzon.

Ayon sa PAGASA, naaapektuhan ng shallow low pressure area (LPA) na nasa hilaga ng Luzon ang habagat kaya walang puknat ang pag-uulan sa naturang mga lugar.

Sa pagtaya ng weather bureau, sa darating na weekend pa mararanasan ang maaliwalas na lagay ng panahon.

Show comments