^

Bansa

Pinturang may lead huwag gamitin

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pinturang may lead huwag gamitin
Ayon sa environmental watch group na EcoWaste, dapat tiyakin ng DepEd sa pagdaraos ng Brigada Eskwela na huwag gumamit ng nakakalasong pintura sa nalalapit na pagbubukas ng klase sa public schools sa Hunyo 4, Lunes.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Nanawagan ang pamunuan ng EcoWaste Coalition sa Department of Education (DepEd) at mga school officials na huwag gagamit ng anumang pinturang may sangkap na nakalalasong lead sa isinasagawa nilang Brigada Eskwela, o ang paglilinis at paghahanda ng mga school facilities para sa pagbabalik-eskwela ng mga estudyante.

Ayon sa environmental watch group na EcoWaste, dapat tiyakin ng DepEd sa pagdaraos ng Brigada Eskwela na huwag gumamit ng nakakalasong pintura sa nalalapit na pagbubukas ng klase sa public schools sa Hunyo 4, Lunes.

Nagbabala pa ang grupo na ang mga decorative paints na may sangkap na lead ay maaaring makasama sa kalusugan ng isang tao.

Sinabi ng grupo na bagamat ang mga lead-containing decorative paints na ginagamit sa pagpapaganda ng mga tahanan, paaralan, daycare centers, at mga paaralan, gayundin sa mga laruan at iba pang produktong pambata,  ay na-phase out na noong Disyembre 31, 2016, alinsunod sa Chemical Control Order for Lead and Lead Compounds ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Maaari anilang mayroon pa ring mga lumang stock ng mga naturang nakalalasong pintura na mabibili sa merkado.

vuukle comment

DEPARTMENT OF EDUCATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with