Voters registration para sa 2019 poll inihahanda

Sinabi ng Comelec na kasalukuyang pinaghahandaan nila ang pagtatala ng mga bagong botante sa buwan ng Hunyo o Hulyo ng taong ito.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Abala na ang Commission on Elections (Comelec)  sa muling pagbubukas ng voters registration para sa 2019 national and local elections.

Sinabi ng Comelec na kasalukuyang pinaghahandaan nila ang pagtatala ng mga bagong botante sa buwan ng Hunyo o Hulyo ng taong ito.

Wala pang tiyak na petsa ang araw ng muling pagbubukas ng voters registration na iaanunsiyo na lamang umano sa oras na maisapinal na ito.

Matatandaang huling nagdaos ng voters registration ang Comelec noong Nobyembre 6 hanggang Nobyembre 30 para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na matagumpay na naidaos noong Mayo 14, 2018.

Show comments