Death penalty inihirit na ibalik

Ayon kay VACC President Cory Quirino, dapat ibalik ang parusang kamatayan dahil nagiging talamak muli ang patayan sa bansa.
File

MANILA, Philippines — Muling umapela ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) kay Pangulong Rodrigo Dutete na muling buhayin ang usapin kaugnay sa death penalty.

Ayon kay VACC President Cory Quirino, dapat ibalik ang parusang kamatayan dahil nagiging talamak muli ang patayan sa bansa.

Giit pa ni Quirino, ang dapat na parusa sa isang taong kumitil ng buhay ng kaniyang kapwa ay maging katumbas ng kaniyang krimeng ginawa.

Hindi na umano dapat pang hayaan ng gobyerno na mamayani ang mga kriminal dahil wala namang kinikilala ang mga ito tuwing gagawa ng krimen.

Show comments