PANOORIN: Leni punto por punto sinagot ang mga fake news laban sa kaniya

MANILA, Philippines – Nagsisisi si Bise Presidente Leni Robredo sa kaniyang hindi pagpatol laban sa mga pekeng balitang ibinabato sa kaniya lalo na’t marami ang naniniwala sa mga paninira sa kaniya.

Sa isang video ay nilinaw ni Robredo ang mga paratang sa kaniya tulad ng pagiging buntis at pagkakaroon ng relasyon kay Quezon City 3rd District Rep. Jorge “Bolet” Banal.

“Narealize ko ‘yung mistake ko. I have been on the receiving end of fake news,” pambungad ni Robredo.

Ipinaliwanag ni Robredo na hindi niya pinatulan ang mga pekeng balita upang matutukan ang kaniyang trabaho.

“Sabi ko lately ‘pag meron na namang lumabas (fake news) lalaban tayo,” dagdag niya.

Show comments