^

Bansa

Suspension ng TRAIN huli na, ayon kay Aquino

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Suspension ng TRAIN huli na, ayon kay Aquino
Ito ang sinabi kahapon ni Senator Bam Aquino tungkol sa kahandaan ng Malacañang sa suspensiyon ng karagdagang excise tax sa 2019.
Andy G. Zapata Jr.

MANILA, Philippines — Huli na kung sa susunod na taon pa sususpendihin ng gobyerno ang TRAIN law.

Ito ang sinabi kahapon ni Senator Bam Aquino tungkol sa kahandaan ng Malacañang sa suspensiyon ng karagdagang excise tax sa 2019.

 Ayon kay Aquino, ang hinahanap ngayon ng taumbayan ay rollback sa presyo ng petrolyo at iba pang pangunahing bilihin.

 “Kaya sa aming panukala, babawiin pati ang dinagdag na excise tax on fuel na pinataw na sa merkado ngayong 2018. Kailangan protektahan mula sa TRAIN at taas-presyo ang mga mahihirap na Pilipino. Nalulunod na sa taas ng presyo ang ating mga kababayan,” ani Aquino.

Inihalimbawa ni Aquino ang naging pagtaas ng presyo ng petrolyo kamakalawa at maging ang pagtaas ng presyo ng sardinas.

Idinagdag din ni Aquino na sa kasalukuyan tumaas ang inflation at nalampasan na ang inaasahang level ngayong 2018.

vuukle comment

TRAIN LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with