^

Bansa

‘P18M Intramuros project ng DOT hindi ipinatupad’- COA

Doris Franche-Borja, Elizabeth Marcelo - Pilipino Star Ngayon
�P18M Intramuros project ng DOT hindi ipinatupad�- COA
Ito ang ibinunyag ng Commission on Audit sa bago nitong report na inilathala sa website nito.
KJ Rosales

Kahit may pondo na

MANILA, Philippines — Hindi pa rin naipapatupad hanggang katapusan ng taong 2017 ang P18 milyong proyekto para maipakilala ang Intramuros sa Maynila bilang tourist destination kahit  naipalabas na ang pondo nito noon pang Enero 2016.

Ito ang ibinunyag ng Commission on Audit sa bago nitong report na inilathala sa website nito.

Ayon sa report, inilipat ng Department of Tourism ang P18 milyong pondo sa ahensiya nitong Intramuros Administration noong Enero 18, 2016 para sa branding campaign pro­ject ng huli na tinawag na “Promise and Possibilities in Intramuros.”

Layunin ng proyekto na itaguyod at tatakan ang Intramuros bilang pangunahing tourist destination at hikayatin ang mga potensiyal na mamumuhunan na lumahok sa pagpapaunlad nito.

Binanggit ng COA na tinawagan na nito ang atensiyon ng pangasiwaan ng IA kaugnay ng kabiguan nitong ipatupad ang proyekto kahit may pondo na.  Pero lumitaw sa ebalwasyon na hindi pa rin ito naipapatupad kahit noong 2017.

Sa halip, ayon sa report, P450,112.19 o 2.50% ng naturang budget ang  ginamit sa pagbili lang ng 30 memo pad na may IA logo, anim na kahon ng file envelope at iba’t-ibang bond paper na may IA logo at sa pagdaraos ng ‘El Museo Del Prado En Filipinas” exhibit.

Samantala, itinalaga ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat si Under­secretary Benito “Bong” Bengzon Jr. bilang bagong  tagapagsalita ng DoT. 

Si Bengzon  din ang  Undersecretary for tourism and development planning. 

Pinalitan ni Bengzon si Assistant Secretary Fre­derick Alegre na nagbitiw  sa puwesto matapos na pagbitiwin ni  Puyat ang lahat ng appointees ni dating Tourism secretary Wanda Tulfo-Teo.

Ayon kay Romulo-Puyat, bilang  career official, si Bengzon ay exemp­ted sa kanyang inilabas na order dahil 30 taon na itong nagtatrabaho sa DoT.

Inaasahan din mababakante ang puwesto nina Undersecretaries Kathe­rine de Castro, Alma Rita Jimenez, Marco Bautista, at Pompee La Viña; at mga Assistant Secretaries na sina Maria Lourdes Japson, Daniel Mercado, Eden Josephine David, at Arlene Mancao.

vuukle comment

COMMISSION ON AUDIT

P18 MILYONG PROYEKTO

TOURIST DESTINATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with