Pagsertipika ng Pangulo sa BBL law hihilingin ni Alvarez

Ayon kay Alvarez, hihilingin nila sa Pangulo na sertipikahang urgent ang nasabing panukala para bago mag-sine die adjournment sa Mayo 30 ang Kongreso ay maipasa na ito sa ikalawa at ikatlong pagbasa sa plenaryo ng Kamara.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Hihilingin ni House Speaker Pantaleon Alvarez kay Pangulong Rodrigo Duterte na sertipikahan bilang urgent ang panukalang Bangsa­moro Basic Law (BBL)

Ayon kay Alvarez, hihilingin nila sa Pangulo na sertipikahang urgent ang nasabing panukala para bago mag-sine die adjournment sa Mayo 30 ang Kongreso ay maipasa na ito sa ikalawa at ikatlong pagbasa sa plenaryo ng Kamara.

Matapos nito ay saka ipapasa sa Senado para sa bicameral committee kaya posibleng bago mag-State of the Nation Addres (SONA) ang Pangulo sa Hulyo 30 ay mapirmahan na ang panukala bilang ganap na batas.

Show comments