Albayalde sa PNP: Bawal mag-text at matulog sa trabaho

MANILA, Philippines – Nagbabala si Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde sa maaaring kaharaping pagkakasibak ng mga opisyal na may mga tauhang nagte-text o natutulog sa kanilang mga trabaho.

Sinabi ito ni Albayalde matapos makatanggap ng mga ulat na hindi sineseryoso ng ilang kapulisan ang kaniyang utis na huwag mag-text o matulog habang naka-duty.

Aniya sisibakin niya ang mga police community precinct commander, chief of police at regional director sakaling mabigo sila na disiplinahin ang kanilang mga tauhan.

 “I have talked to the police officials several times, but it seems that they are not towing the line. So it’s time for me to act decisively and there would be no more warnings,” ani Albayalde.

“When policemen are not following orders from their superiors, it means that they are not afraid of them. That’s why I would relieve and replace them with officials who are disciplinarians,” dagdag niya.

Noong hepe pa lamang ng NCRPO ay ilang pulis ang nahuli ni Albayalde na natutulog at nakainom habang naka-duty.

Humingi naman ng tulong si Albayalde sa publiko na isumbong sa kanila ang mga pulis na nagpapabaya sa kanilang mga trabaho.

Show comments