^

Bansa

BOE sa SK kagawad ipinanukala

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
BOE sa SK kagawad ipinanukala
Ayon kay Albay Rep. Joey Sarte Salceda, na siyang may-akda ng House Bill 7719, ang BOE para sa kwalipikadong mga opisyal ng SK ay “ituturing na sapat na kwalipikasyon” para makapagtrabaho sa gobyerno, maliban sa mga pwestong saklaw ng espes­yal na mga batas o nangangailangan ng lisensiya o mga natatanging teknikal na kahandaan.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Nakahain sa Kongreso ang isang panukalang batas na naglalayong bigyan ng Barangay Official Eligibiity (BOE), katumbas ng ‘basic civil service eligibility’ ang mga halal at itinalagang mga kagawad ng Sangguniang Kabataan na nakumpleto ng buo ang nakatakdang paglilingkod nila sa tungkulin, ayon sa itinatalaga ng batas.

 Ayon kay Albay Rep. Joey Sarte Salceda, na siyang may-akda ng House Bill 7719, ang BOE para sa kwalipikadong mga opisyal ng SK ay “ituturing na sapat na kwalipikasyon” para makapagtrabaho sa gobyerno, maliban sa mga pwestong saklaw ng espes­yal na mga batas o nangangailangan ng lisensiya o mga natatanging teknikal na kahandaan.

Ipinaliwanag ni Salceda na layunin ng HB 7719 ang isulong at patibayin ang partisipasyon ng mga kabataan sa pagtatatag ng matibay at maunlad na bansa, itanim at palaguin sa puso at diwa nila ang tamang moralidad at pagiging tapat, makaba­yan, makatao at iba pang kanais-nais na mga kaugalian, at pakikilahok sa mga panlipunang gawain.

Sa kasalukuyan, ta­nging mga halal na Punong Barangay, mga Kagawad ng Sangguniang Barangay, Sangguniang Kabataan Chairmen; at mga hinirang ng Barangay Chairman na Barangay Treasurer ang kasali sa BOE.

vuukle comment

ALBAY REP. JOEY SARTE SALCEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with