^

Bansa

Yaman ni Leni nabawasan

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Yaman ni Leni nabawasan
Mula sa 2016 networth na P8.878 milyon ni Robredo ay bumulusok ito pababa sa P1.114 milyon noong Disyembre 2017.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Nabawasan ng kung ilang milyong piso ang yaman ni Vice Pres. Leni Robredo base na rin sa inihain nitong Statement of Assets, Liabilities And Networth (SALN) noong 2017 sa Office of the Ombudsman.

Mula sa 2016 networth na P8.878 milyon ni Robredo ay bumulusok ito pababa sa P1.114 milyon noong Disyembre 2017.

Ayon na rin sa Bise Presidente, ginamit ang milyong halagang pera na pambayad sa ipinataw ng Presidential Electoral Tribunal (PET) kaugnay sa electoral protest na inihain ni dating senador Bongbong Marcos.

Nasa liabilities din ni Robredo na mula P6.9 mil­yon noong 2016 ay tumaas ito sa P11.9 milyong utang noong 2017.

Sumadsad din pababa ang kabuuang ari-arian o assets ni Robredo sa P13.014 mula sa mahigit P15 milyon.

Magugunitang nagdeposito si Robredo sa PET ng P8 milyon bilang initial payment sa kanyang counter-protest laban kay Marcos matapos ang huli ay magsampa ng protesta laban sa kanya noong Hun­yo 2016 upang i-contest ang panalo nito sa vice presidential race.

LENI ROBREDO

LIABILITIES AND NETWORTH

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

STATEMENT OF ASSETS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with