LP solons lumipat sa PDP-Laban

MANILA, Philippines — Nag-alsa balutan na sa Liberal Party (LP)  ang mga kongresista na tinaguriang ‘anak ni Mar Roxas” matapos silang mag-ober da bakod sa political party ng administrasyong Duterte na PDP-LABAN.

Kabilang sa mga tumalon sina Quezon City Rep. Alfred Vargas, Sta. Rosa Laguna Mayor Dan Fernandez at Rep. Quirio Dakila Cua, chairman ng Ways and Means Committee, at iba pa na dumalo sa inilunsad na ‘Sulong Ang Pag-unlad Movement (SAPM) na naglalayong hikayatin si Special Assistant to the President Secretary Bong Go na tumakbo sa 2019 senatorial race.

Ang paglulunsad ay pinangunahan ni dating Caloocan congresswoman at ngayon ay SAPM national chairperson Mitch Cajayon-Uy kasama ang iba pang lokal na opisyal mula sa ibat ibang rehiyon at probinsya, non-government organization at mga negosyante.

Naniniwala umano ang grupo na may malaking puso si Go sa pagsasaayos ng bayan at sa kapwa Pilipino kaya nabuo ang kanilang organisasyon.

Sa kabila nito, tikom pa rin ang bibig ni SAP Go sa nasabing isyu at sinasabing trabaho lamang ang kanyang inaatupag.

Ayon naman kay Sultan Kudarat Rep. Suharto Mangu­dadatu, ang kailangan ngayon ng Senado ay isang tao na may parehong layunin at mga panukala para sa bayan  at pagtitiwala ng kasalukuyang administrasyon at ito ay si Go.   

Show comments