Jet ski ride ni Duterte sa Phl Rise kinansela

MANILA, Philippines — Hindi na itinuloy kahapon ni Pangulong Duterte ang planong pagsakay sa jet ski sa kanyang pagbisita sa Philippine (Benham) Rise, ang underwater plateau sa karagatan ng Aurora.

Ayon kay Special Assistant to the President Bong Go, siya na lamang at si Presidential Son Sebastian “Baste” Duterte ang sasakay sa jet ski.

Matatandaan na nangako si Duterte noong na­ngampanya ito na mag-ji-jet ski sa West Philippine Sea kung saan maglalagay umano siya ng bandila ng Pilipinas.

Ipinagtanggol naman ng Malacañang ang pagbibigay ng importansiya ng Pangulo sa Philippine Rise kaysa sa West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, walang masama kung ginunita ang pag-award ng UN Commission on the Extended Continental Shelf ng karapatan sa Pilipinas sa Philippine Rise.

Related video:

Show comments