P600 minimum wage isinulong

Ito ay dahil naniniwala si Salo na makakatulong ito para ma­ging pantay-pantay ang pagkakaiba sa sahod ng mga nasa private sectors sa buong bansa.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Isinusulong ni Kabayan Partylist Rep. Ron Salo ang panukalang nagtataas sa P600 sa minimum wage ng lahat ng mga empleyado sa pribadong sektor.

Ito ay dahil naniniwala si Salo na makakatulong ito para ma­ging pantay-pantay ang pagkakaiba sa sahod ng mga nasa private sectors sa buong bansa.

Paliwanag ng kongresista, maaaring ikunsidera ng mga minimum wage earners sa labas ng Metro Manila na magtrabaho na lamang sa kanilang mga lugar at hindi na luluwas sa NCR dahil pantay na lamang ang sahod na kanilang matatanggap.

Bukod dito makaka­tulong din ito sa pagbaba ng populasyon ng mga empleyado sa metropolis at matinding traffic.

Show comments