No to corruption! – Galvez

Ayon sa bagong AFP chief, hindi siya mag-aalinlangan na sibakin ang mga ito kapag nabahiran ng katiwalian ang kanilang serbisyo.
Krizjohn Rosales

MANILA, Philippines — Binalaan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Lt. Gen. Carlito Galvez ang mga sundalo na iwasang masangkot sa korupsyon.

Ayon sa bagong AFP chief, hindi siya mag-aalinlangan na sibakin ang mga ito kapag nabahiran ng katiwalian ang kanilang serbisyo.

Isa sa limang prayoridad ni Galvez bilang AFP chief ay transparency sa kanilang hanay, good go­vernance, at labanan ang korupsiyon.

Sa isinagawang talk-to-troops ni Galvez noong Lunes na siya ring kauna-unahang flag raising ceremony, kaniyang binigyang-diin na mana­nagot ang mga opisyal at sundalo na mababahiran ng katiwalian.

Aniya, sa ilalim ng kaniyang liderato ay target niya na hindi masasangkot ang AFP sa korupsyon.

“The President has zero tolerance for corruption. We will have no fear of relieving people who are mediocre and full of anomalies. We will keep the AFP clean, I will not hesitate to relieve any Commander who will be tainted with corruption,” wika ni Lt. Gen. Galvez.

Inatasan din ni Galvez ang Office of the Inspector General na imbestigahan ang mga umano’y ano­malya sa paggamit ng AFP resources. Ito ay para matiyak na nagagamit ang pondo sa tamang paraan.

Nagbabala rin si Gal­vez sa mga pasaway na mga sundalo at civilian employees.

Bukod kasi sa istrikto si Galvez sa mga “erring personnel,” masigasig din ang heneral na magbigay ng awards and recognition kabilang na ang cash incentives sa mga deser­ving o karapat-dapat.

Show comments