^

Bansa

‘Sabwatan sa Bilibid drug trade putulin’

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

Lacson kay Bato

MANILA, Philippines — Pinayuhan kahapon ni Sen. Panfilo Lacson si retired PNP chief Ronald dela Rosa na dapat maputol niya ang sabwatan ng mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) sa mga high profile na preso upang malutas niya ang illegal drug trade sa Bilibid.

Ginawa ni Sen. Lacson ang payo matapos magretiro si dela Rosa at mauupo bilang BuCor director.

Wika pa ni Lacson, malaking hamon kay dela Rosa sa pag-upo nito bilang Bucor chief ang tuluyang pagsugpo sa illegal drug trade sa Bilibid.

“Ang unang-unang dapat ayusin doon ay yung corruption, yung connivance between the jail guard, yung BuCor personnel at yung mga preso lalo na yung mga drug lords na napakaraming pera na doon talaga nag-ooperate sa loob,” sabi ni Lacson.

“Maski ngayon, si [PDEA] Director Aaron Aquino, everytime na makakapasok sila sa labas, at nag-backtrack sila, isa lang ang direksyon na pinupuntahan e, National Bilibid [Prison]. Not necessarily naman na doon nanggagaling ang drugs pero ang direction doon talaga nanggagaling sa loob,” dagdag pa ng senador.

“So once Bato solves the drug problem sa loob ng Muntinlupa, ang laki ng impact doon sa anti-drug operation natin sa labas,” giit pa ni Lacson kahapon.

Magugunita na na­ngako si Dela Rosa na kapag namuno na siya sa BuCor ay wawakasan niya ang bentahan ng iligal na droga.

“I will succeed, mark my words, I will succeed. I will not give you the details but I tell you, mark my word, I will succeed. Hindi ako magpapatalo sa mga drug lord na ‘yan, as to how I will do it, just [use] your wild imagination,” pangako pa ng retired PNP chief.

vuukle comment

BUREAU OF CORRECTIONS

PANFILO LACSON

RONALD DELA ROSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with