Hatol ng SC kay Sereno posibleng ilabas sa Mayo
MANILA, Philippines — Malalaman na sa susunod na buwan ang kapalaran ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na pinatatanggal sa pwesto matapos kuwestyonin ang pagkakatalaga sa kaniya.
Sinabi ni Acting Chief Justice Antonio Carpio ngayong Huwebes na umaasa silang mahahatulan na nila ang quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida laban sa punong mahistrado.
“We hope to decide as soon as we can. By next month, we should be able to decide on it,” sabi ni Carpio.
Nakatakdang bumalik sa Maynila ang mga hukom sa Abril 26 mula sa kanilang summer session sa Baguio.
Samantala, bukod sa quo warranto petition ay nahaharap din si Sereno sa impeachment.
Nauna nang sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na isa o dalawang linggo lamang mula sa pagbubukas ng sesyon ay mapapatalsik na nila si Sereno.
- Latest