^

Bansa

Philippine-China military cooperation palalakasin pa - Duterte

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Philippine-China military cooperation  palalakasin pa - Duterte
Nagkamay sina Pangulong Duterte at Chinese President Xi Jinping matapos ang matagumpay na bilateral meeting sa Boao State Guesthouse.

MANILA, Philippines — Naniniwala si Pangulong Duterte na mapapalakas pa ang military at defense cooperation sa pagitan ng Pilipinas at China.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa kanyang opening remarks sa bilateral meeting nila kamakalawa ng gabi ni Chinese Pres. Xi Jinping sa Hainan, China.

Sinabi ni Pangulong Duterte, maisasagawa ito sa pamamagitan ng nilagdaang Memorandum of Understanding on Defense Cooperation noong 2004.

Sa kasalukuyan ay walang joint military agreement ang Pilipinas at China, gaya ng Mutual Defense Treaty (MDT) sa Estados Unidos.

Kasabay nito, personal na pinasalamatan ni Pa­ngulong Duterte si Xi sa ibinigay na military assistance ng China noong kasagsagan ng operasyon laban sa ISIS-Maute terror group sa Marawi City.

Ibinida pa ni Pangulong Duterte na ang nakapatay sa lider ng mga terorista na si Isnilon Hapilon ay ang rifle mula sa China.

vuukle comment

PANGULONG DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with