^

Bansa

Pangongolorum gawing criminal offense – LCSP

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pangongolorum gawing criminal offense � LCSP

Sinabi ito ni Atty. Ariel Inton, founding President ng LCSP, bilang reaksiyon sa ipinalabas na utos ni Pa­ngulong Duterte na hulihin ang lahat ng nangongolorum sa bansa. - Boy Santos

MANILA, Philippines — Hinimok ng Lawyers  for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang mga mambabatas na bigyang konsidera na maisabatas na ng Kongreso ang panukala na maging isang criminal offense na ang pangongolorum ng isang motorista.

Sinabi ito ni Atty. Ariel Inton, founding President ng LCSP, bilang reaksiyon sa ipinalabas na utos ni Pa­ngulong Duterte na hulihin ang lahat ng nangongolorum sa bansa.

Sinabi ni Inton na bagamat may utos ang Pangulo hinggil sa colorum vehicles ay mahihirapan naman si  LTFRB Chairman Martin Delgra na maipatupad ang bagay na ito dahil administraitve case at hindi pa criminal case ang pangongolorum.

Noong nasa LTFRB pa si Inton ay naimungkahi na niya na gawing isang criminal offense ang pango­ngolorum. Sa kongreso, si Cong. Jess Manalo ng Angkla partylist ay nagpanukala sa Kongreso na gawing criminal in nature na ang pangongolorum.

“Marahil ay dapat ding magkaroon ng polisiya tungkol sa panghuhuli ng colorum vehicles na kung hindi naman talamak na pamamasada ang ginagawa kung hindi nag-chip-inchip-in lang ang mga magkakaibigan pang gas pang toll o bigay sa driver na nagmaneho ay hindi pangongolorum. Concentrate po natin effort doon sa mga talamak na nangongolorum na may mga scalper sa mga bus terminal na nanghihikayat ng mga pasaherong walang masakyan na doon sumakay sa mga van na colorum na nakaparada sa malalapit sa terminal. Marami nyan sa Araneta bus terminal. Yan ang tunay na colorum na dapat hulihin at sana kung criminal case na e arestuhin!” paliwanag pa ni Inton.

Hinikayat din nito ang mga pamilyang magbabakasyon sa ibang lugar ngayong Semana Santa na maglagay ng “family use” sa sasakyan na gagamitin at siguruhing magkakamag anak ang mga ito at sila ang may ari ng sasakyan upang hindi mapaghinalaang na­ngongolorum ito. Ang van kapag nahuling colorum ay may penalty na P200,000 kada unit at impound ang sasakyan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with