^

Bansa

Bilang ng nagpapabakuna bumaba

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon
Bilang ng nagpapabakuna bumaba

Ayon kay WHO Country Representative to the Philippines Gundo Weiler, hindi dapat ikumpara ang naging sitwasyon sa Dengvaxia sa iba pang vaccination programs sa bansa na matagal nang ipinatutupad at napatunayang ligtas at epektibo. Boy Santos

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pag­ka­bahala ang World Health Organization (WHO) sa mga ulat na bumaba ang bilang ng mga nagpapabakuna sa Pilipinas kasunod ng kontrobersiya sa Dengvaxia vaccine.

Ayon kay WHO Country Representative to the Philippines Gundo Weiler, hindi dapat ikumpara ang naging sitwasyon sa Dengvaxia sa iba pang vaccination programs sa bansa na matagal nang ipinatutupad at napatunayang ligtas at epektibo.

Iginiit ni Weiler, hindi dapat mahadlangan ng pangamba sa Dengvaxia ang pagpapabakuna ng mga magulang sa kanilang mga anak laban sa mga napipigilang sakit tulad ng polio, hepatitis, tigdas, tuberculosis at beke.

Dagdag ni Weiler, oras na mabigong maabot ng Department of Health (DoH) ang kanilang target sa pagpapabakuna, posibleng maulit ang nangya­ring measle outbreak sa bansa noong 2014 kung saan umabot sa halos 60,000 ang tinamaan ng tigdas at mahigit 100 ang namatay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with