^

Bansa

Mayorya ng Senado lumagda sa report vs political dynasty

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Mayorya ng Senado lumagda sa report vs political dynasty

Labingtatlong senador ang lumagda sa Committee Report No. 367 o Senate Bill 1765 na nagbabawal sa mga immediate at extended relatives na tumakbo sa public office upang pumalit sa mababakanteng posisyon ng kanilang incumbent relative. Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Mayoryang miyembro ng Senado ang lumagda sa senate committee report na kontra sa political dynasties.

Labingtatlong senador ang lumagda sa Committee Report No. 367 o Senate Bill 1765 na nagbabawal sa mga immediate at extended relatives na tumakbo sa public office upang pumalit sa mababakanteng posisyon ng kanilang incumbent relative.

Ang mga lumagda sa committee report ay sina Senate Minority Leader Frank Drilon, Senators Risa Hontiveros, Loren Legarda, Panfilo Lacson, Joseph Victor Ejercito, Paolo Benigno Aquino IV, Nancy Binay, Sonny Angara, Ralph Recto, Leila de Lima, Sherwin Gatchalian at Francis Pangilinan.

Inaasahan naman ang sponsorship speech dito ni Sen. Kiko Pangilinan sa resumption ng sesyon sa Mayo 14.

Sa panukala ay mahigpit na ipinagbabawal na pumalit sa incumbent elected official ang kamag-anak nito hanggang sa 2nd degree of consanguinity o affinity.

Ang mga bawal na pumalit ay ang kanyang legal o common-law spouse, mga kapatid, magulang, mga anak nito.

Nakasaad din sa panukala na kabilang dito ang mga incumbent national elective official, party-list representative, gayundin sa national and local le­vels kasama na ang mga barangay captain, mayor, governor o district representative sa buong bansa.

Anila, ang political dynasties ay kumikitil sa demokrasya, nagiging sanhi ng kahirapan at inequality at sumisira din sa pagkakaroon ng pantay-pantay.

vuukle comment

POLITICAL DYNASTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with