^

Bansa

Pagdami ng pabor sa divorce, wake-up call

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang wake-up call at malaking hamon sa Simbahang Katolika ang mas maraming bilang ng mga Katoliko na pabor sa pagsasabatas ng Divorce sa Pilipinas na tanging bansa bukod sa Vatican na walang divorce law.

Lumabas sa Veritas Truth Survey sa 1,200 respondent mula sa urban at rural areas nationwide ay 39-porsiyento ng mga Filipino ang pabor sa legalization ng divorce o diborsyo habang 35-percent naman ang hindi sumang-ayon sa legalisasyon nito.

Batay sa Veritas Truth Survey, 43-porsiyento ng female respondents ang gusto na maging legal ang diborsyo at 35 naman ang tutol habang 35-percent ng mga lalaki ang hindi pabor sa divorce at 34-percent ang sang-ayon.

Kaugnay nito, binigyan diin ni Father Anton CT Pascual na ang diborsyo ay magpapahina ng tipan ng mag-asawa dahil binibigyan ng kaluwagan imbes na gumawa ng paraan na maayos ang pagsasama.

Nilinaw ng Pari na ang diborsyo din ang magbibigay ng lakas ng loob sa mag-asawa na magpasyang maghiwalay agad ng padalus-dalos at hindi pinapahalagahan ang mga anak na siyang pangunahing apektado.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with