^

Bansa

Nasawi sa sunog sa Manila Pavilion 5 kumpirmado, 1 kritikal

Ludy Bermudo, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Nasawi sa sunog sa Manila Pavilion 5 kumpirmado, 1 kritikal
Narekober ng mga tauhan ng rescue team mula sa ika-5 palapag ng Manila Pavilion Hotel ang bangkay ng isa sa mga nasawi sa sunog na naganap dito kamakalawa ng umaga.
(Kuha ni Joven Cagande)

MANILA, Philippines — Limang katao ang kumpirmadong nasawi habang isa pa ang kritikal sa naganap na sunog kamakalawa ng umaga sa Waterfront Manila Pavilion Hotel and Casino, sa Ermita, Maynila.

Ayon sa ulat na inihayag sa idinaos na pulong-balitaan, na pinangunahan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Manila Police District (MPD), Bureau of Fire Protection (BFP) at mga opisyal ng Manila Pavilion, kinilala ang mga nasawi na sina Billy De Castro, Edilberto Braga Evangelista, Marlyn Omadto, John Mark Sabido at Cris Sabido.

Habang nabatid naman na patuloy pang nakikipaglaban kay kamatayan ang biktimang si Jennelyn Figueroa, empleyado rin ng PAGCOR.

Inihayag naman ni Se­nator Sherwin Gatchalian na pansamantalang ititigil muna ang operasyon ng Manila Pavilion.

Nabatid na ang nasa­bing hotel ay pag-aari ng pamilya ng senador.

Ayon kay Gatchalian, mas mabuti na ang nag-iingat at tingnan kung ligtas ang mga pasilidad para na rin sa kanilang mga bisita.

Tiniyak naman ng management ng hotel na makikipagtulungan sila sa imbestigasyon at magbibigay sila ng ayuda sa pamilya na naapektuhan ng sunog.

Nabatid naman na uma­bot sa mahigit isang araw bago idineklarang ‘fire-out’ ang naturang sunog.

vuukle comment

WATERFRONT MANILA PAVILION HOTEL AND CASINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with