Senado itinutulak na matuloy ang barangay, SK polls sa Mayo
(Pilipino Star Ngayon) - March 14, 2018 - 11:46pm

MANILA, Philippines – Muling hinimok ni Sen. Nancy Binay ang Malacañang na punuan na ang mga bakanteng pwesto sa Commission on Elections kasunod ng desisyon ng Kamara na ipagpaliban ang barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Sinabi ni Binay na kailangan lamang mapunuan ang tatlong bakanteng commissioner na posisyon upang hindi na muling maipagpaliban ang eleksyon.

"We reiterate our appeal to Malacañang to appoint three more commissioners to Comelec to ensure smooth preparations for the May 14 barangay polls," sabi ng senadora.

"As far as the Senate is concerned, tuloy ang barangay at Sanguniang Kabataan elections sa Mayo," dagdag niya.

Sinabi ni Binay na nahihirapan ang Comelec dahil apat lamang ang nakaupong commissioner at ang solusyon ay mapunuan na agad ang mga bakanteng pwesto.

"Hindi na po natin kailangan ipagpaliban pa ang barangay elections kung pupunan ng Malacañang ang mga bakante sa Comelec," patuloy ni Binay.

Nabawasan ng mga commissioner ang Comelec matapos mawala sina Christian Robert Lim at Arthur Lim, habang nagbitiw naman si dating elections chief Andres Bautista.

Sa kasalukuyan ay sina Sheriff Abas, Rowena Guanzon, Luie Tito Guia at Al Parreño na lamang ang nakaupo.

ELECTIONS
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with