Imee 50-50 sa pagtakbong senador sa 2019

MANILA, Philippines — Hindi pa tiyak si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos kung tatakbong senador sa 2019 midterm elections.

Sinabi ni Marcos na pinag-uusapan na ng kaniyang pamilya ang kanilang plano sa paparating na eleksyon lalo na’t napakatagal umano ng election protest ni dating Sen. Bongbong Marcos.

Ayon sa anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na kailangan nilang ipagpatuloy ang “legacy” ng kanilang pamilya.

Dati nang nabanggit ng gobernadora ang pagtakbo sa mas mataas na posisyon.

Bukod sa hawak niyang pwesto sa lalawigan, nasa Kamara naman ang kaniyang inang si Imelda Marcos.

 

 

Show comments