Credit card collectors na nananakot, nanggigipit binalaan ni Sen. Poe

Naghain ng Senate resolution 655 si Sen. Poe upang hilingin sa committee on banks ang pagpapatupad ng Republic Act 10870 or the Philippine Credit Card Industry Regulation Act. 
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Dapat maparusahan ang mga debt collectors na tinatakot at ginigipit ang kanilang mga kli­yente, ayon kay Sen. Grace Poe.

Naghain ng Senate resolution 655 si Sen. Poe upang hilingin sa committee on banks ang pagpapatupad ng Republic Act 10870 or the Philippine Credit Card Industry Regulation Act.

Tumanggap ng mga reklamo ang tanggapan ni Poe hinggil sa abusadong mga debt collectors kung saan ay hina-harass ng mga ito ang mga may utang sa bangko o sa credit cards.

“The lack of clear guidelines and dedicated implementation of existing laws and regulations that would punish debt collectors gives them a wide latitude to harass, bombard borrowers with calls and text messages bordering on criminal acts, and engage in other unfair collection practices,” sabi ni Poe.

Aniya, dapat lamang magbayad ang mga may utang pero hindi dapat sila ginigipit at tinatakot ng mga maniningil.

“For many years, credit card debt collectors put pressure and use crooked ploys on the defaulter to collect money,” dagdag pa ni Poe.

Karamihan sa maniningil ay tinatakot ang mga may utang na kakasuhan sa Korte, isusumbong sa kanilang employer hanggang sa maging ugat ito para sila sibakin sa trabaho.

“The Bangko Sentral ng Pilipinas should immediately issue the necessary guidelines that would govern credit card companies and debt collectors as to what constitutes criminal acts punishable under existing laws and policies,” sabi pa ng senadora.

Show comments