^

Bansa

‘Inaning palay ibenta sa NFA’

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
�Inaning palay ibenta sa NFA�

Sinabi ni NFA Administrator Jason Laureano Y. Aquino na ang maibebentang palay ng mga local farmers sa NFA ay makakatulong sa pamahalaan na magkaroon ng dagdag na imbak na bigas.  

Edd Gumban

Giit sa local farmers

MANILA, Philippines — Hiniling ng National Food Authority (NFA) sa mga local farmers na ibenta na lamang sa ahensiya ang kanilang mga inaning palay.

Sinabi ni NFA Administrator Jason Laureano Y. Aquino na ang maibebentang palay ng mga local farmers sa NFA ay makakatulong sa pamahalaan na magkaroon ng dagdag na imbak na bigas.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ina­asahan na magkakaroon ng dagdag na 4.67 million metric tons ng palay mula sa ani ng mga local far­mers ngayong taon.

“If we can get at least 10 percent of this harvest, the NFA can continue to fulfill its commitment to relief agencies, local go­vernment, and may even bring back the P27.00 and P32.00/kilogram rice in the market,” pahayag ni Aquino.

Binigyang diin ni Aquino na bagamat ang pagbili ng palay ay palagiang ginagawa ng ahensiya taun-taon, ang NFA mula Enero hanggang Pebrero 2018 ay nakabili lamang ng 7,469 bags ng palay mula sa local farmers mula lamang sa lalawigan ng Antique, Nueva Vizcaya, Bukidnon at Catanduanes. 

Kung madadagdagan anya ng mga local farmers mula sa ibang mga probinsiya na magbebenta ng kanilang inaning palay, malaking tulong ito para mapunan ang buffer stock ng NFA.

Sa ngayon naman anya ay sapat pa ang suplay ng bigas mula sa imports at local farmers.

vuukle comment

NATIONAL FOOD AUTHORITY

RICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with