Grupo ng kababaihan, nagsisising sinuportahan si Duterte
(Pilipino Star Ngayon) - February 14, 2018 - 6:49pm

MANILA, Philippines — Dahil sa kawalan ng respeto sa mga kababaihan, nagsisisi ang isang grupo ng kababaihan sa Mindanao sa pagsuporta sa kandidatura ng noo’y Davao City Mayor at ngayo’y Pangulong Rodrigo Duterte.

“His statements reflect a very disturbing deep-seated misogyny and sexism. They contradict the Women Development Code he signed in 1997,” pahayag ng Gabriela Southern Mindanao Region.

Tinutukoy ng grupo ang ordinansa na nilagdaan ni Duterte noong alkalde pa siya kung saan pinatitiyak ang kaligtasan ng mga kababaihan.

Sinabi ito ng grupo kasunod ng pahayag ni Duterte kung saan inutusan niya ang mga sundalo na barilin sa ari ang mga babaeng miyembro ng New People’s Army.

Sa ikalawang State of the Nation Address ni Duterte ay nabanggit naman niya ang pagpapatupad ng Magna Carta of Women.

“Despite his expletives, cussing and misogynistic remarks, we supported him, hoping that he, indeed, would bring genuine change for the marginalized communities,” patuloy ng grupo. “We were wrong.”

Dinepensahan naman ni presidential spokesman Harry Roque ang pangulo at sinabing pagtawanan na lamang ang mga biro ni Duterte.

"You know, sometimes, these feminists are really a bit OA (overacting). I mean, that's funny. Come on. Just laugh," ani Roque.

DAVAO CITY
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with