Maraming Pinoy mas gusto ang trabaho kaysa pag-ibig - SWS
Jacob Molina (Pilipino Star Ngayon) - February 14, 2018 - 10:57am

MANILA, Philippines — Tatlo sa bawat limang Pilipino ang mas pinipili ang trabaho kaysa pag-ibig, ayon sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa 1,200 na tinanong sa survey, 59% ng mga Pilipino ang mas pipiliin ang career habang 41% naman ang mas pipiliin ang love life.

Lumabas din sa nasabing pag-aaral na 57% ng respondents ang nagsabing masaya sila sa kanilang buhay-pag-ibig, 29% ang nagsabing maari pang maging masaya habang 14% ang nagsabing wala silang love life.

Samantala, 58% naman ang sumagot na kayang pagsabayin ang trabaho at pag-ibig, 26% ang nagsabing maari itong pagsabayin, 5% ang nasabing maaaring hindi ito mapagsabay, habang 3% ang sumagot na tiyak na hindi ito kayang pagsabayin.

Dagdag pa dito, karamihan naman sa 60% ng mga babae at 57% ng mga lalaki ang mas pipiliin ang trabaho kaysa pag-ibig.

Mas pinipili din ng mga single, mapalalaki man o babae, ang career kaysa sa lovelife samantalang 63% ng mga kalalakihan at 50% ng mga kababaihan ang nagsabing masaya sila sa kanilang buhay-pag-ibig.

Ayon pa sa survey, ang mga lalaking single na mula edad 18-34 ay mas masaya sa kanilang mga lovelife kumpara sa 28% ng mga babaeng single sa parehong edad.

Mas marami naman ang walang pag-ibig sa mga matatandang single kaysa sa mga mas batang mga walang asawa.

Ginawa ang nasabing pag-aaral mula December 8-16 nitong nakaraang taon.

SWS
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with