DOLE target ma-regular ang 300K workers

MANILA, Philippines — Nasa 300,000 manggagawa ang target ng Department of Labor and Employment na ma-regular sa kanilang mga trabaho ngayong 2018.

Ito ang sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III, kaugnay sa nagpapatuloy na laban ng ahensya kontra kontrakwalisasyon.

Ayon kay Bello, nakapagbaba na sila ng mandato sa kanilang mga regional offices upang makuha ang listahan ng mga empleyado sa mga kumpanyang kanilang nasasakupan.

Kalakip sa inaantay na mga dokumento ay ang programang ipatutupad ng mga ito para sa regularisasyon.

Sa kasalukuyan ayon sa kalihim, nasa 541 Labor Law Compliance Officer ang nagsasagawa ngayon ng assessment at inspeksyon sa mga kumpanya sa buong bansa, upang masawata ang mga iligal na porma ng kontrakwalisasyon sa paggawa.

Show comments