Kapalit ni Roque, 1 pang solon nanumpa

MANILA, Philippines — Nanumpa na ang dalawang mambabatas, kabilang dito ang kapalit ni Presidential spokesperson Harry Roque bilang pinakabagong miyembro ng Kamara.

Kasama ang kanilang pamilya nanumpa ng katungkulan kay De­puty Speaker at Cebu Rep. Gwen Garcia sina Rep. Ciriafo Calalang ng Kabayan Partylist at Amihilda Sangcopan ng Anak Mindanao (AMIN)  Party-list. 

 Si Calalang ang kapalit ni Sec. Roque habang si Sangcopan naman ang humalili kay Rep. Sitti Djalia Turabin-Hataman na nagbitiw sa tungkulin upang bumalik sa kanyang mga community work.

 Si Sangcopan ay dating Chief of Staff ni ARMM Gov. Mujiv Hataman at nagsilbi rin bilang secretary ng ARMM-Department of Agrarian Reform.

Dahil dito, umabot na sa 292 na ang kasalukuyang miyembro ng Kamara de Represen­tantes.

Show comments