Kahirapan, gutom wawakasan ng ‘cooperativism’

MANILA, Philippines — Naniniwala ang mahigit 200 mga delegado mula sa Asean member states na matutuldukan na ang kahirapan sa mga bansang kasapi na Asean.

Wawakasan ang kahirapan at gutom partikular na sa hanay ng maliliit na magsasaka, mangingisda, katutubo sa pagtatanghal ng ika-7 Asean Cooperative Business Forum na pinangungunahan ng Cooperative  Development Authority (CDA) bilang host ng aktibidad.

Ayon kay Cooperative Dev’t. Authority Chairman Usec. Orlando Ravanera, isusulong sa business forum ang paglalaganap ng “social solidarity economy” sa pamamagitan ng “cooperativism” na kung saan ang mga tao at kapaligiran, maging ang komunidad ay itinuturing na prayoridad higit sa pakinabang mula sa kaunlaran.

Paliwanag ni Ravanera, magiging adhikain din dati ang pagsulong ng mga Sustainable Agri­culture Technology at pagpapalawig ng mga lokal na industriya tungo sa mas pinatatag ng kabuhayan at konserbas­yon ng likas na yaman.

Show comments