Carpio tumangging tumestigo vs Sereno

MANILA, Philippines — Hindi dadalo si Senior Associate Justice Antonio Carpio sa impeachment hearing ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa Kamara.

Sinabi ni Carpio ngayong Huwebes na ipinaalam na niya sa Kamara ang kaniyang desisyon dahil wala aniya siyang “personal knowledge” sa ibinabato kay Sereno.

Inimbitahan umano si Carpio upang bigyang linaw ang umanoy pagkuha ng IT consultant para sa tanggapan ni Sereno.

Nagkakahalaga umano ang kontrata ni Helen Perez-Macasaet ng P10 milyon.

Ayon sa nagsampa ng impeachment complaint na si Larry Gadon, nagkasala si Sereno ng betrayal of public trust sa pagkuha kay Macasaet.

Nauna nang dumalo sa pagdinig ng Kamara sina Associate Justices Teresita Leonardo-de Castro, Francis Jardeleza at Noel Tijam, gayundin si retired Associate Justice Arturo Brion.

Muling magkakaroon ng pagdinig sa Enero 15.

Show comments