Call center agent pisak sa killer van
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - January 4, 2018 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Kamatayan ang sinapit ng 27-anyos na call center agent matapos itong mahulog sa motorsiklo saka masagasaan nang sumusunod na utility van sa kahabaan ng highway sa Purok 2, Barangay San Isidro, bayan ng Talisay, Camarines Norte kamakalawa ng gabi.

 Tinangka pang isugod ng rescue team ng LGU-Talisay sa Camarines Norte Provincial Hospital subalit idineklarang patay ang biktimang si Judith Janine Sarmiento ng Tanza, Cavite.

Sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, dakong alas-6:30 ng gabi, nakasakay ang biktima kasama ang dalawang anak sa motorsiklo na minamaneho ni Danmerk Clacio, 26, ng Brgy. Itomang nang biglang mawalan ito nang kontrol sa manibela.

Gayunman, nawalan ng balanse ang  biktima kaya nahulog sa gitna ng kalsada.

Bago pa makaba­ngon sa kalsada ang biktima ay nagulungan ito ng sumusunod na utility van (UVT-254) ni Alex Gomez, 51, ng Mary Cris Homes Subd., Imus City, Cavite.

Agad na sumuko sa mga pulis ang driver ng van kung saan nahaharap sa kasong kriminal.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with