NBI tututukan ang pagpatay sa mag-ina sa Cavite
(Pilipino Star Ngayon) - December 15, 2017 - 8:56am

MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pagpatay sa mag-ina sa Cavite.

Inilabas ni Aguirre ang Department Order 797 para tutukan ng NBI ang pagpaslang kina Ruby Gamos at pitong-taong-gulang na si Shaniah Nicole Gamos.

Natagpuan na lamang ang walang buhay na katawan ng mga biktima sa loob ng kanilang bahay sa General Trias nitong Disyembre 11.

Ayon sa mga pulis, walang bakas ng pwersahang pagpasok sa bahay ng mga biktima na nawalan din ng mga ari-arian tulad ng kotse, telebisyon, gadgets at mga alahas.

Humingi ng tulong sa gobyerno ang padre de pamilya na si Rudy na umuwi kinabukasan matapos malaman ang sinapit ng pamilya.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with