Sanofi habulin, P3.5 B sa Dengvaxia ibalik - Digong

MANILA, Philippines — Siniguro kahapon ng Malacañang na hahabulin nito ang mga sangkot sa kontrobersyal na Dengvaxia vaccine.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sinusuportahan ng Palasyo ang desisyon ng Department of Health (DoH) na refund sa P3.5 bilyong ibinayad ng gobyerno sa Sanofi Pasteur para sa Dengvaxia vaccine.

Malinaw kasi umanong itinago ng Sanofi ang isang mahalagang impormasyon kaugnay sa epekto o bisa ng Dengvaxia gaya ng posibleng pagkakaroon pa rin ng dengue ang batang nabakunahang hindi pa nagkaka-dengue makalipas ang tatlo hanggang anim na taon.

Hinihintay umano ni Pangulong Duterte ang resulta ng imbestigasyon at aaksyunan para ma­panagot ang mga opisyal na posibleng may pananagutan.

Sinimulan kamakalawa ng Senado ang imbestigasyon sa P3.5 bilyong pagbili ng DoH ng Dengvaxia vaccine.

May hinala naman si Sen. Richard Gordon, chairman ng Senate blue ribbon committee, na mayroong naganap na sabwatan sa pagbili ng nasabing vaccine sa pagitan nina dating Pa­ngulong Noynoy Aquino at kanyang mga gabinete.

Show comments