Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, wala pa silang natatanggap na report na masasamang ulat mula sa mga mag-aaral na nabakunahan kontra sa sakit na dengue. AFP, File

DepEd walang namomonitor na nagkasakit sa Dengvaxia
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Walang namomonitor ang Department of Education (DepEd) na nagkasakit o kaya’y nasawing estudyante na naturukan ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia.

Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, wala pa silang natatanggap na report na masasamang ulat mula sa mga mag-aaral na nabakunahan kontra sa sakit na dengue.

Una ng inamin ng Sanofi Pasteur na ang kauna-unahang dengue vaccine sa buong mundo ay ligtas at nakapagbibigay ng proteksyon kung ituturok sa mga taong dati nang dinapuan ng dengue, ngunit maaari namang magdulot ng mas malalang dengue infection kung ibibigay sa mga taong hindi pa tinamaan ng naturang sakit.

Ipinatigil na rin ng Department of Health (DoH) ang programang pagbibigay ng dengue vaccine sa mga mag-aaral kasunod ng inilabas na bagong analysis ng Sanofi Pasteur sa Dengvaxia.

Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang monitoring ng DepEd sa mga batang mag-aaral sa mga pampublikong paaralan na naturukan ng Dengvaxia.

Nabatid na umani ng mga batikos ang P3.5 bilyong proyektong ito ng pamahalaan dahil sa kinasasangkutan na kontrobersya na tila pinag-praktisan ang mga kabataan.

Sinasabing nasa 733,000 kabataang estudyante ang nabigyan ng bakuna mula sa National Capital Region (NCR) Region 3 at Region IV-B, bukod pa ang mahigit 2,000 pulis sa Quezon at kanilang pamilya na nag-avail sa free vaccine na Dengvaxia.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with