Cash gift, bonus ng gov’t employees matatanggap na

MANILA, Philippines — Siniguro kahapon ng Department of Budget and Management (DBM) na matatanggap na ng may 1.3 milyong government employees ang kanilang cash gift at year-end bonus simula sa buwang ito.

Sinabi ni Budget Sec. Benjamin Diokno, naglaan ang gobyerno ng P6.93 bilyon para sa cash gift at P32.84 bilyon naman para sa year-end bonus ng mga empleyado ng pamahalaan na nakapaloob sa 2017 budget.

“?Starting November 15, all qualified government employees will receive year-end bonus tax free that is equivalent to their one month basic salary,” sabi ni Sec. Diokno.

Ayon kay Diokno, bukod sa year-end bonus ng mga government workers ay makakatanggap din sila ng P5,000 cash gift.

Nilinaw pa ng DBM chief, matatanggap ng may 1.3 milyong government employees ang kanilang bonus at cash gift simula sa ?November 16 dahil idineklarang special non-working day ang ?Nov. 15 dahil sa ASEAN Summit.

Ang mga eligible sa bonus at cash gift ay ang mga empleyado ng gobyerno na nakapaglingkod ng 4 na buwan pataas at empleyado pa rin ng gobyerno hanggang October 31.

Show comments