Pre-trial ni Honasan, kanselado

MANILA, Philippines — Nakansela ang pre-trial sa kaso ni Senador Gringo Honasan sa Sandiganbayan.

Sa halip muling itinakda ng anti-graft court second division sa Disyembre 1 ang pre-trial sa kaso laban kay Honasan.

Bagamat humarap kahapon sa korte ay naudlot pa rin ang pre-trial dahil sa mayroon pa siyang nakabitin na isyu sa korte.

Kabilang dito ang hindi pa nadedesisyunan na motion to quash ni Honasan na nagpapabasura ng kanyang mga asunto.

Ang senador ay nahaharap sa dalawang bilang na kasong katiwalian dahil sa umano’y iregularidad sa paggamit ng kanyang P30 milyon pork barrel.

Inilaan ni Honasan ang nasabing halaga para sa livelihood projects para sa Muslim communities sa NCR at Zambales na katulong ang Focus Deve­lopment Goals Foundation.

Subalit ayon sa Ombudsman, hindi ito sumunod sa  procurment regulations.

Show comments