Ebidensya vs Bautista hawak na ng Kamara

MANILA, Philippines — Isinumite na sa House Committee on Justice ang mga dokumento na mula sa Presidential Commission on Good Government (PCGG) na ebidensiyang magagamit sa impeachment complaint ni Co­melec Chairman Andres Bautista.

Ang naturang mga dokumento ay dinala sa tanggapan ng Secretariat ng Justice Committee ni Atty. Manny Luna, ang legal counsel ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC).

Nauna nang ibinigay ang mga dokumento ng VACC kay dating Negros Oriental Rep. Jacinto Paras na isa sa nagsampa ng  impeachment complaint kay Bautista sa Kamara. Ito ay resulta ng isinagawang panloob na imbes­tigasyon ng PCGG  sa diumano’y mga katiwalian ni Bautista noong siya pa ang chairman ng nasabing komisyon.

Show comments