Trust at satisfaction ratings ni Digong bumaba

MANILA, Philippines — Malaki ang ibinaba ng net satisfaction at trust ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ikatlong quarter ng taon, ayon sa Social Weather Stations (SWS).

Anim sa 10 Pinoy o 67 percent ang nasisiyahan kay Duterte, habang 19 ang hindi kaya naman nakakuha siya ng +48 na “good” satisfaction score.

Malayo ito sa dati niyang +66 rating na “very good” noong Hunyo.

Nabawasan naman ng 15 points ang kaniyang trust rating na +60 na lamang mula sa +75 na “excellent.”

Pinakamalaking nabawasan ang net satisfaction rating ni Duterte sa Visayas ng 30 points, habang 22 points naman sa Luzon at 19 points sa Metro Manila.

Nananatili siyang “excellent” sa balwarte niyang Mindanao na +76.

Isinagawa ang survey nitong Setyembre 23 hanggang 27 sa 1,500 na respondents.

Matatandaang naging mainit na isyu sa bansa ang pagkamatay ng mga teenager na sina Kian delos Santos at Carl Arnaiz sa kamay ng mga pulis-Caloocan.

Marami ang nadismaya sa pulisya at sa gobyerno dahil dito.

Show comments