Sereno pinagkokomento ng mahistrado

MANILA, Philippines — Pinagkokomento ng mga kapwa niya mahistrado si Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno sa loob ng limang araw kaugnay sa kahilingan ni Atty. Lorenzo Gadon na bigyan siya nito ng kopya ng resulta ng kanyang psychological at psychiatric test.

Inatasan din ng mga mahistrado ang Judicial Bar Council (JBC)  na magkomento sa parehong isyu.

Si Sereno ang ex-officio chairman ng JBC.

Si Gadon ang isa sa abugadong naghain ng impeachment complaint sa Kongreso laban kay Sereno.

Dumulog si Gadon sa JBC upang humingi ng kopya ng nasabing mga dokumento subalit nabigo ito.

Sa kanyang reklamo, sinabi ni Gadon na nagawa ni Sereno ang mga impeachable offense nang dahil sa kanyang “mental disorder.”

Giit ni Gadon sa kanyang apela sa Supreme Court En Banc na hindi sakop ng confidentiality rule ang psychiatric test ni Sereno na kanyang kinuha noong siya ay aplikante pa lamang sa pagka-punong mahistrado.

Show comments