Warships ng Japan itatapat sa Maute-ISIS

Sa press conference ni Japan Deputy Press Secretary Toshihide Ando, sinabi nito na magbibigay ang Japan ng mga kagamitan tulad ng high-speed vessels at security related equipments na una nang napagkasunduan sa pagitan nina Japanese Foreign Minister Taro Kono at Phl Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na naglalayong suportahan ang pagsisikap ng Duterte administration na mapuksa ang ekstremismo sa Mindanao. File

MANILA, Philippines - Bukod sa Estados Unidos, nag-alok na rin ang pamahalaang Japan ng tulong sa Pilipinas sa pagbibigay ng mga ma­kabagong kagamitan na siyang pantapat sa mga teroristang Maute-ISIS na patuloy na nakiki­pagbakbakan sa tropa ng pamahalaan sa Marawi City sa Mindanao.

Sa press conference ni Japan Deputy Press Secretary Toshihide Ando, sinabi nito na magbibigay ang Japan ng mga kagamitan tulad ng high-speed vessels at security related equipments na una nang napagkasunduan sa pagitan nina Japanese Foreign Minister Taro Kono at Phl Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na naglalayong suportahan ang pagsisikap ng Duterte administration na mapuksa ang ekstremismo sa Mindanao.

“We are happy to step up our assistance to the Philippines, ani Kono kay Cayetano.

Ang nasabing assistance ng Japan ay ang karagdagan sa P100 mil­yong aid na unang inalok ng Japan para sa mga mamamayan na nagsilikas at nawalan ng taha­nan sa Marawi dahil sa sagupaan at airstrike.

Tiniyak naman ni Ca­yetano sa Japan government na gagawin lahat ng Pilipinas upang agarang naresolba ang krisis sa Marawi City.

Show comments