‘Gorio’ lumakas pa, signal No. 1 sa Batanes

MANILA, Philippines – Patuloy ang paglakas ng bagyong Gorio habang papalayo ng bansa, ayon sa state weather bureau ngayong Huwebes.

Huling namataan ng PAGASA ang pampitong bagyo ngayong taon sa 595 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan kaninang alas-4 ng hapon.

Taglay ni Gorio ang lakas na 90 kilometers per hour at bugsong aabot sa 115 kph, habang gumagalaw pa hilaga-kanluran sa bilis na 13 kph.

Itinaas ang Tropical Cyclone Warning Signal No. 1 sa Batanes. Tinatayang lalabas ng Philippine area of responsibility ang bagyo sa Lunes, habang tinutumbok nito ang Taiwan. 

Show comments