Malaking plate number sa motorsiklo, scooters aprub sa Senado

Ang panukala ay tatawaging Motorcycle Crime Prevention Act of 2017 kapag naging ganap na batas. Aatasan ang Land Transportation Office (LTO) na maglabas ng malaki at reflectorized license plates sa lahat ng motorsilko at scooters sa bansa. File

MANILA, Philippines - Aprub na sa Senado ang panukalang batas na naglalayong palitan ng malaking plate number ang mga motorsiklo at scooters bilang pangontra sa krimen.

Ang panukala ay tatawaging Motorcycle Crime Prevention Act of 2017 kapag naging ganap na batas. Aatasan ang Land Transportation Office (LTO) na maglabas ng malaki at reflectorized license plates sa lahat ng motorsilko at scooters sa bansa.

Ang dalawang malaking plaka ay ilalagay sa unahan at hulihang bahagi ng sasakyan at maaring mabasa mula sa distansiyang 12-15 metro.

Aatasan din ang LTO na magkaroon ng “color scheme” sa mga plate numbers sa bawat rehiyon para madaling matukoy kung saan nakarehisto ang motorsiklo o scooter.

Naniniwala ang Senado na mas madaling matutukoy ang mga motorsiklo at scooters na ginagamit sa krimen kung malalaki ang kanilang plaka.

 

Show comments